424 - Kayo'y Gumising

Kayo'y gumising, oh! Krist'yanong tanan
Balutin ninyo't kalasag ay tabnan,
Ang tabak ng Diyos gamiting matapang,
Haraping walang takot ang kaaway.

REFRAIN

Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.

Mga panganib ay paka-ingatan
Huwag urungan kahit isang hakbang,
Sa tulong ng Diyos pananagumpayan
Mga pulutong nitong kadiliman.

REFRAIN

Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.

Ipagtanggol ang mithiin ni Jesus
At magsikap ka hanggang sa matapos,
Magpuyat ka at sumunod na lubos
Sa Panginoon anumang iutos.

REFRAIN

Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.

Magpatuloy ka't h'wag mag-alanganin
Ang Kapitan mo'y laging nasa piling,
Biyayang tulong, pag-ibig, at aliw
Ay parang agos sa iyo'y darating.

REFRAIN

Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.

0:00 0:00